Monday, July 15, 2019

POKUS NG PANDIWA

POKUS NG PANDIWA

LAKBAYIN NATIN ANG NILALAMAN NG POKUS NG PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

1. POKUS SA TAGAGANAP/AKTOR
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".

(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
A. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.

B. Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.

C. Bumili si Rosa ng bulaklak.

2. POKUS SA LAYON
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct object
HALIMBAWA
A. Nasira mo ang mga props para sa play.

B. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.

C. Binili ni Rosa ang bulaklak.

3. POKUS SA TAGATANGGAP/ BENEPAKTIB
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para kanino?".
(i- , -in , ipang- , ipag-)

Sa Ingles, ito ay ang indirect object.

HALIMBAWA
A. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

B. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

4. POKUS SA GAMIT/ INSTRUMENTAL
Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".

(ipang- , maipang-)

HALIMBAWA
A. Ang kaldero ay ipinanluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.

B. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.

C. Ipinanghambalos niya ang tungkod sa magnanakaw.

 5. POKUS SA GANAPAN/ LOKATIB
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".

(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)

HALIMBAWA
A. Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

B. Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
C. Pinagdausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.

6. POKUS SA SANHI/DAHILAN
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?".

(i- , ika- , ikina-)

HALIMBAWA
A. Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.

B. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.

C. Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.

  7. POKUS SA DIREKSYON
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?".

(-an , -han , -in , -hin)

HALIMBAWA
A. Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.

B. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.

C. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.

Tatlong Mukha ng Kasamaan ni U Nu (Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas)

Tatlong Mukha ng Kasamaan ni U Nu

 (Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas)



Kasakiman, galit, at kamangmangan
Tatlong mukha ng kasamaan
Iwaksi sa puso’t isipan
Nang buhay maging tunay na makabuluhan.”

MAHAHALAGANG TANONG
  Paano maiwawaksi sa buhay ng tao ang tatlong mukha ng kasamaan—ang kasakiman, galit, at kamangmangansa batas ng sandaigdigan?

  Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang masining na paraan ng pangangatwiran o pakikipagtalo?


  May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: Ang kasakiman, galit/poot at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan kahit anuman ang paniniwala ng isang tao ay naituturing itong batas ng kalikasan, kahit ang isang tao ay naniniwala sa mga aral ni Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay pagtanda, karamdaman at kamatayan. 
 
Meron ding limang katangian ng tao mula sa kanyang pagsilang, ang magpahalaga sa nakikitang kagandahan sa kapaligiranmagpahalaga sa musika, at awitin, 
magpahalaga sa pagkaing kanyang naibibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa kanyang pamantayan..
 
Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao  ay hindi panghabang panahong mapapanaligan ng tao, sapagkat ang mga aito ay katulad ng panahong lumilipas. .
  Hindi
rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan  ay nadadala ng isang tao sa kanyang  libingan, kaya lamang, may iba't ibang.pananaw ang mga tao sa materyal na yamang angkin nila habang sila ay nabubuhay. Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay wala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth 
na hindi nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman.
    Sinasabi rin ng marami ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan.
 
Sinasabi dito na dapat gamitin ang yamang materyal ng tao para sa kanyang pangangailangan. Ngunit nang makilala na ng tao ang pagiging sakim, nagduot ito ng maraming bagay sa lipunan tulad ng:
kanyang yaman.

1.) Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mga mayayaman at ang mga mahihirap.
2.) Ang
mahirap ay laging umaasa sa mga mayayaman may puhunan, samantalang ang mga negosyanteng nagbitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunanna hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.
3. ) Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman ang mahihirap ay laging napagsasamantalahan. Bunga ng ganitong paramamaraan ang mahihirap ay natututong magnakaw, pumatay, at magbenta ng katawan

4.) At sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay namamatay. Isa rito ang karma, labis na pag-iisip  dahil sa kahirapan at kakulangan sa buhay na isa sa pangangailangan ng tao.
5.) Ang
hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan. Wastong edukasyon ang makapagpapaunlad ng kanyang buhay.

6.) Hindi rin uunlad ang bansa kung ang mamamayan o ang higit na nakararami ay mangmang.
      Ang
mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan.
  Merong alamat tungkol sa isang punongkahoy na may pangalang Padaythabin (punongkahoy na pinagmumulan ng pangangailangan ng tao) na sinasabi sa panahong iyon ay namumuhay ang tao ng walang suliranin. Bakit?

- dahil lahat ng gusto ng tao ay napipitas nito sa puno ngunit nakilala ng tao ang kasakiman at inabuso nila ang punongkahoy. Mula noon ay namuhay ang tao sa kahirapan at nakilala na ng tao ang krimen.
 
Maihahambing natin ang punong Padaythabin sa ating likas na yaman kung ito ay gagamitin ng tama ng bawat mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom at walang gagawa ng krimen tulad ng pagpatay at pagnanakaw.


  Mayroon ding tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay ang pagtanda, karamdaman at kamatayan.
  Sa
panahon ngayon, maraming mahirap na gustong yumaman at maraming mayaman ang gustong maangkin ang lahat para mamuhay ng walang katapusan.

Thursday, January 24, 2019

MGA URI NG TAYUTAY


Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
  Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.
Mga Uri ng Tayutay:

A. Pag-uugnay o Paghahambing
1. Pagtutulad o simili(Simile) isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa. 

     Halimbawa:
     1.Tila yelo sa lamig ang kamay na ninenerbiyos ng mang-awit.
     2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
     3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
     4. Gaya ng maamong tupa Si Jun kapag nakagalitan.

2. Pagwawangis o metapora (Metaphor) naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.   
     Halimbawa:
     1.Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
     2.Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Alusyonnagbibigay sanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya, at iba pang aspekto ng buhay ng tao.
     Halimbawa:
    1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.
4. Metonimiya o Pagpapalit-tawag (Macetonimy)ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.
      Halimbawa:
      1.Ang kapalaran mo ay handog sa iyo ng langit sa itaas na tinitingala ko.
      2.Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa. 
5.  Sinekdokenagbabanggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan upang sakupin o tukuyin ang kabuuan
      Halimbawa:
       1.Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
       2.Hingin mo ang kaniyang kamay.
       3.Walong bibig ang umasa kay Romeo.
6. Pagmamalabis o eksaherasyon (Hyperbole) pagpapalabis sa normal upang bigyan
          ng kaigtingan ang nais ipahayagIto ay lagpa-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
          kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
          katangiankalagayan o katayuan
      Halimbawa:
       1.Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
       2.Bumaha ng dugo sa kapaligiran, ako ang nagwagi sa aming labanan.
       3.Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.
       4.Abot-langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
7. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe)
                 Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
      Halimbawa:
      1.O tukso! Layuan mo ako!
      2.Ulan, ulan kami’y lubayan na.
      3.Diyos ko, iligtas  po  ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
8. Eksklamasyon o pagdaramdam (Exclamation) –
                  Isang paglalabas o pagpapahayag ng matinding damdamin.
     Halimbawa:
     1.Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
     2.Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo. Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
9. Paradoks (Paradox)naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.
      Halimbawa:
      1.Malayo ma’y malapit pa rin.
      2.Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa
        panimdim.
10. Oksimoron o pagtatambis (Oxymoron) nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatiingkad ang bisa ng pagpapahayag.
      Halimbawa:
      1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo.
      2. Banal na demonyo
      3. Batang matanda
11. Pagtatao o personipikasyon (Personification) paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay
      Halimbawa:
      1. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
      2. Ang buwan any nahiya at nagtago sa ulap.