Thursday, January 24, 2019

MGA URI NG TAYUTAY


Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
  Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.
Mga Uri ng Tayutay:

A. Pag-uugnay o Paghahambing
1. Pagtutulad o simili(Simile) isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa. 

     Halimbawa:
     1.Tila yelo sa lamig ang kamay na ninenerbiyos ng mang-awit.
     2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
     3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
     4. Gaya ng maamong tupa Si Jun kapag nakagalitan.

2. Pagwawangis o metapora (Metaphor) naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.   
     Halimbawa:
     1.Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
     2.Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Alusyonnagbibigay sanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya, at iba pang aspekto ng buhay ng tao.
     Halimbawa:
    1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.
4. Metonimiya o Pagpapalit-tawag (Macetonimy)ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.
      Halimbawa:
      1.Ang kapalaran mo ay handog sa iyo ng langit sa itaas na tinitingala ko.
      2.Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa. 
5.  Sinekdokenagbabanggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan upang sakupin o tukuyin ang kabuuan
      Halimbawa:
       1.Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
       2.Hingin mo ang kaniyang kamay.
       3.Walong bibig ang umasa kay Romeo.
6. Pagmamalabis o eksaherasyon (Hyperbole) pagpapalabis sa normal upang bigyan
          ng kaigtingan ang nais ipahayagIto ay lagpa-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
          kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
          katangiankalagayan o katayuan
      Halimbawa:
       1.Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
       2.Bumaha ng dugo sa kapaligiran, ako ang nagwagi sa aming labanan.
       3.Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.
       4.Abot-langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
7. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe)
                 Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
      Halimbawa:
      1.O tukso! Layuan mo ako!
      2.Ulan, ulan kami’y lubayan na.
      3.Diyos ko, iligtas  po  ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
8. Eksklamasyon o pagdaramdam (Exclamation) –
                  Isang paglalabas o pagpapahayag ng matinding damdamin.
     Halimbawa:
     1.Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
     2.Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo. Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
9. Paradoks (Paradox)naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.
      Halimbawa:
      1.Malayo ma’y malapit pa rin.
      2.Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa
        panimdim.
10. Oksimoron o pagtatambis (Oxymoron) nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatiingkad ang bisa ng pagpapahayag.
      Halimbawa:
      1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo.
      2. Banal na demonyo
      3. Batang matanda
11. Pagtatao o personipikasyon (Personification) paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay
      Halimbawa:
      1. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
      2. Ang buwan any nahiya at nagtago sa ulap.


No comments:

Post a Comment