Wednesday, January 16, 2019

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO


KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO 
 
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na  GOMBURZA - Mariano Gómez, José Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora.
 
Tulad ng Noli Me Tangere, ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito.  Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Brusells,
Belgium.  Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891.  Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
 
Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
 
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Ghent.
 
Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala nang maayos ang aklat noong Setyembre 18, 1891. 
 
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
 
 
El Filibusterismo - nobelang pampulitika; ang diin sa Fili ay nasa pamahalaang tinangkilik ng pangunahing tauhan na pagkatapos ay nais niyang paghigantihan.
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang panlipunan na tumatalakay sa mga depekto at kabuktutan ng mga Kastila na maituturing na kanser ng lipunan.
 
 
El Filibusterismonakatulong nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang alisin ang mga sagabal sa paghihimagsik noong1896. Ang mga simulain ng nobela ay nagpasigla at nagpatibay ng loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa panahong ginugol sa pagkatuklas ng kasarinlan, nagturo sa kapilipinuhan ng pagkabihasa, pagbabagong-buhay at ng landas tungo sa kaligtasang matatamo lamang sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

 
 
***Kalagayan sa pamumuhay ni Rizal nang isinulat niya ang nobela:
Nagtipid siya nang di-gagaano at kung minsa’y makalawa lamang kumain maghapon
Napilitang magsangla ng lahat ng kanyang alahas
Nilayuan ng kanyang kapanalig sa La Solidaridad
Pinag-uusig at pinasasakitan ng Pamahalaang Kastila ang mga magulang at kapatid
Ipinakasal sa iba ang kasintahan
 

Sinimulan: Oktubre 1887, Calamba;
             1890 sa London, England
Lumipat sa Bruselas (Brussels),
Belgium sinulat ang malaking bahagi ng nobela
Gante (Ghent), Belgium sinulat ang huling bahagi at ang pagrerebisang manuskrito
Marso 29, 1891 – natapos ang aklat
**Dalawang dahilan kung bakit lumipat ng Ghent:
1)Higit na mababa ang halaga ng pagpapalimbag
2)Iwasan si Suzanne Jacoby
 
***Dahilan ng pagpapalit ng plano ng nobela:
1)Balitang pinarusahan ng mga prayle sa Asyenda Calamba ang kanyang kaanak
2)Pagpapakasal ni Leonor Rivera kay Charles Kipping Mayo 1891(huling mga araw) sinimulan ang paglilimbag sa isang palimbagan sa Gante sa pag-asang may sapat na salaping panustos
 
 

 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 

3 comments:

  1. Click the link and earn money right away. https://l.facebook.com/l.php?
    u=http%3A%2F%2Ftheworkpayment.com%2F%3Fuserid%3D50088%26fbclid%3DIwAR3kUG61opGlYazRtNY1LQclGqgRrmBO41Jhsc0KEiRJZD3KZ8BF1vVMfPk&h=AT3__iKGtrGNTPiWthox2DyU8UFa5LMSdngOHpJq6LALrM2oEpZsBwsKjKGvJAuyGnldIOtwU6ASaWQlGJCfbe116_sJo-PzEqdT8K051xVAoG6yjByurb8fCUxImDrDPH4MFQ

    ReplyDelete
    Replies
    1. https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Ftheworkpayment.com%2F%3Fuserid%3D50088%26fbclid%3DIwAR3kUG61opGlYazRtNY1LQclGqgRrmBO41Jhsc0KEiRJZD3KZ8BF1vVMfPk&h=AT3__iKGtrGNTPiWthox2DyU8UFa5LMSdngOHpJq6LALrM2oEpZsBwsKjKGvJAuyGnldIOtwU6ASaWQlGJCfbe116_sJo-PzEqdT8K051xVAoG6yjByurb8fCUxImDrDPH4MFQ

      Delete
    2. Click the link and earn money right away.
      http://theworkpayment.com/?userid=50088

      Delete