Kabanata 1
Isang
Pagtitipon
Isang
marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit
na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay
na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok.
Ang
paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong
dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao,
mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang
iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang
gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan.
Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na
pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil,
Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at
mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa
Pilipinas.
Ang
kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong
Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang
gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran
tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon
ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng
tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya
ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa
usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas
na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang
usapan.
Napadako
ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit
na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero,
ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang
Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa
ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos
na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang
isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang
ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos
nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa.
Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan
na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari
Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan.
Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang
sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.
Kabanata 2
Crisostomo
Ibarra
Dumating
si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni
kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya
ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si
Ibarra.
Ipinakilala ni
Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa.
Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang
kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na
kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Tinangkang
kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik
ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang
kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya
si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap
sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at
Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang
anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa
binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente
ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa
masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang
pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata.
Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad
ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa
Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang
panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang
nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa
pagsusulat.
Malapit
ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay
Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya
ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
Kabanata 3
Ang Hapunan
Isa-isang
nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga
mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang
banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan
hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang
ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni
Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan
ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang
buhok.
Sa may kabisera
umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari
kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa
tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit
ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya
ang karapat-dapat na umupo.
Anyong
uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan.
Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang
pari.
Sa
mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan
Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang
kapitan sabay sabing "huwag mo akong alalahanin."
Sinimulan
ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang
ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya.
Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari,
sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.
Habang
kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa
kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay
mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa,
hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan
ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa
masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra,
nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa
tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong
ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng
hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
"Nasa
ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon", tugon naman ni Ibarra.
Nalaman
ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng
wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang
pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika,
pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan
partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag
ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang
nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan
at ikapaghihirap nito.
Naudlot
ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang
nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit
na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita
ng pari.
Kalmado
lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling
madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo
sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si
Damaso.
Nagpaalam
na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara
at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si
Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.
Ngumakngak
naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya,
dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa
sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.
Nang
gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa
isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may
handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang
Indio sa ibang lupain.
Kabanata 4
Erehe at Pilibustero
Naglakad
na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may
Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring
pagbabago sa kanyang dinatnan.
Sa
paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa
kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na
mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit
ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa
buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.
Sinabi
ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas.
Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali
mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.
Ganito
ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong
lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga
nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng
mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don
Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang
nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira.
Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo
si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa
siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng
buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang
araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo bu
na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga
bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo
namang nagdaraan si don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay
lalong nagpuyos sa galit at si DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si
Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa
hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at
dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo
ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang
sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil
dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna
parusa.
Pero,
lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa
ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng
larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at
nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa
siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay
marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si
G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng
artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Nang
lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay malapit ng lumaya
dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping
kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal
na katawan.
Hindi
na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng
hininga si Don Rafael.
Huminto
sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at
sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang
pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si
Ibarra.
Kabanata 5
Isang Tala
sa Gabing Madilim
Sakay
ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan,
na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra
sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang
isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula
sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang
tugtugin ng orkestra.
Kung
nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung
sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na
habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at
dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino,
pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na
giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat
at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa
pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos
ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil
sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang
naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang
batang Pransiskano.
No comments:
Post a Comment