Noli Me Tangere Kabanata 14 Buod, Mga Tauhan, at Aral
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 14 – Tasyo: Baliw o Pilosopo? Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 14 – Tasyo: Baliw o Pilosopo?
Sa kabanatang ito, binisita ni Pilosopo Tasyo ang libingan ng kanyang asawa habang si Ibarra ay dumalaw din sa puntod ng kanyang ama. Si Don Anastacio, o mas kilala bilang Pilosopo Tasyo, ay tanyag sa San Diego dahil sa kakaibang personalidad at maraming pananaw sa pulitika at lipunan. Tinawag siyang baliw ng iba dahil hindi siya nauunawaan ng karamihan.
Nagmula si Tasyo sa isang mayamang pamilya at matalino. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ina sa kanyang pag-aaral at pag-asawa, ipinagpatuloy pa rin ni Tasyo ang kanyang buhay at pagbabasa ng libro.
Sa gitna ng paparating na bagyo, hindi nawawala ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo. Nagbigay siya ng matalinghaga niyang opinyon sa iba’t ibang bagay tulad ng bagyo at kidlat.
Nang magpunta siya sa simbahan ay nakita niya ang magkapatid na sakristan at binilinan na umuwi na dahil naghanda ng espesyal na hapunan ang kanilang ina.
Nakarating din siya sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang pagbabalik ng binatang si Ibarra pati na rin ang ama nito. Ang kanilang pag-uusap ay nauwi naman sa purgatoryo.
Bagaman tinatawanan siya ng ibang tao, nirerespeto ni Tasyo ang pananaw ng relihiyon sa purgatoryo at itinuturing niyang gabay ito upang mabuhay ang tao ng malinis.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 14
Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-14 Kabanata ng Noli Me Tangere:
- Pilosopo Tasyo (Don Anastacio)
- Crisostomo Ibarra
- Magkapatid na sakristan
- Don Filipo
- Aling Doray
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 14
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 14 ng Noli Me Tangere:
- Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-unawa at pagrespeto sa iba’t ibang pananaw at opinyon ng mga tao. Bagaman hindi nauunawaan ng karamihan ang mga pananaw ni Pilosopo Tasyo, ipinakita niyang mayroon din siyang magagandang mensahe na maaring makatulong sa iba. Ang pagkakaroon ng kakaibang pananaw ay hindi nangangahulugan na mali ang isang tao, kung minsan ay kailangan lamang ng mas malalim na pag-unawa para maintindihan ang kahalagahan ng kanyang mga sinasabi.
- Ipinapakita din ng kabanatang ito na ang edukasyon ay hindi dapat ikatakot o ipagkait sa isang tao. Bagkus, ang edukasyon ay magiging daan upang mas lalong mapalawak ang pag-iisip at maging mulat sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Hindi rin nangangahulugan na ang pagkakaroon ng mataas na katalinuhan ay magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos o ang pananampalataya. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng balanse sa lahat ng aspeto ng buhay upang maging ganap na tao.
At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 14 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa ika-14 kabanata ng nobelang ito.
Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
No comments:
Post a Comment