Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, Mga Tauhan, at Aral
Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 9 – Ang Balita Tungkol sa Bayan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral na mapupulot mo rito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 9 – Ang Balita Tungkol sa Bayan
Sa kabanatang ito, nagpaplano na si Maria Clara na lumipat sa kumbento upang kunin ang kanyang kagamitan. Ngunit, dumating si Padre Damaso at pinigilan ang kanilang pag-alis.
Inamin ni Padre Damaso kay Kapitan Tiyago na hindi niya gusto ang relasyon nina Maria Clara at Ibarra. Dahil sa mga sinabi ni Padre Damaso, pinatay ni Kapitan Tiyago ang mga kandila na itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra.
Sa kabilang banda, nagtungo si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano upang dalawin ang isang may sakit na pari. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga pangyayari, tulad ng pag-aaway nina Padre Damaso at Kapitan Tiyago, ang pagpanig diumano ng Tinyente sa Kapitan Heneral, at ang pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.
Ang matandang may sakit ay nakipagpalitan din ng saloobin at sinabing ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Aniya, natuto na ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 9
- Maria Clara
- Padre Damaso
- Kapitan Tiago
- Padre Sybila
- May sakit na pari
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 9
- Ang impluwensya ng mga taong may kapangyarihan sa desisyon ng iba ay maaaring magkaroon ng hindi magandang maidulot tulad ng pagiging makasarili at gahaman sa kapangyarihan ng mga prayle noong panahon ng kastila.
- Higit na mahalaga ang prinsipyo kaysa sa opinyon ng iba.
- Mainam na tumugon sa mga pagbabago at pagkakataon upang mapabuti ang kalagayan ng lipunan.
- Huwag pagtaksilan ang kapwa Pilipino para lamang manatili sa magandang estado o kalagayan sa buhay.
At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa lahat upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng nobela.
No comments:
Post a Comment